*People say that I am crazy, evil, a bitch and a demoness from hell. Why? Dahil ayaw kong tanggapin, suportahan at i-promote ang ginawa nilang pambababoy sa aking published novel. Dahil sa walang patumanggang pagtawag nila sa akin ng ganito, I became inspired to write Nephalym. Nephalym is a novel about angels and demons living among humans. My protagonist is Hades. Isa siyang half-angel at half demon. He is capable of compassion but he is also capable of great destruction. He kills without remorse humans and other beings who try to destroy him.- Arielle
Hindi naging mahirap kay Hades na matagpuan ang Nephalym. Ang anumang spell or magic na nagproprotekta sa container ng Nephalym ay tuluyan nang nawala. Lahat ay nakikita na ito. Ang mga kumuha pala dito ay mga scientists. Kasalukuyang nasa basement ng Shu Chen University ang Nephalym at sinusuri ng isang international team of scientists. Itinuturing din itong isang great find kahit na nanatiling hindi pa din malaman ng mga scientists kung ano talaga ang Nephalym.
May kakayahan si Hades na gawing invisible ang mga bagay na hawak niya basta’t hindi lalagpas ang laki nito sa two feet. Madali niyang nagawa iyon sa batong bigay ni Sabu ngunit imposibleng magawa niya iyon sa sarcophagus. Ten foot tall and fifteen foot wide na solid white rock ang sarcophagus. Isang green glow din ang nagmumula dito na nakakatawag ng atensyon ng sinuman.
Kasalukuyang naka-enclosed sa isang glass box ang sarcophagus ng Nephalym. Marami ding tubo ang nakadikit dito. Kung para saan ay hindi alam ni Hades.
"Comrades, we have done all possible tests we can do. X-rays, ultrasounds and all other equipment we used to see what is inside this stone remained useless!" pahayag ng isang babaeng Russian, malinaw ang frustration sa boses nito, "The only thing left for us to do is to open it using our lasers. We have gotten small samples from this rock using a laser, so it would also be easy for our lasers to open this stone and see what is really inside it!"
Ang suggestion na iyon ng Russian scientist ay nagpasimula ng mahahaba at maiinit na discussion. Mayroon din kasing ayaw galawin o sirain ang bato. Ang iba naman ay nagsasabing hindi importante ang bato, ang talagang mahalaga ay kung ano ang nasa loob ng bato na nagbibigay ng luntiang liwanag.
Dahil invisible si Hades, hindi siya pinapansin ng mga nagtatalong scientists. Lumapit siya sa glass enclosure ng sarcophagus. Tinantiya niya ang bigat nito. Kakayanin siguro ng lakas niya na buhatin ito. Ngunit paano niya ito hahawakan? Hindi ito pwedeng bitbitin. Para madala niya ito, bubuhatin niya ito sa ilalim. Sumagi sa isipan niya ang nakita niyang trapdoor kanina sa ceiling ng isang bahagi ng basement. Doon tiyak pinadaan ang malaking bato nang dalhin dito. Magagamit din niya iyon para itakas ang bato at ilipad palayo...
And then, makikita ng buong siyudad ng Beijing ang isang lumulutang na malaking bato! Kung gagamit ng helicopter o jet ang Chinese government ay masusundan siya kahit saan niya dalhin ang bato.
That's not good!
Kung gagamit naman siya ng truck, mas madali siyang masusundan at mapipigilan ng mga authorities. Dagdag pa ang mabigat na traffic sa daan! Bukod sa mga kotse ay marami ding mga bisikleta siyang kailangang iwasan!
Kung malakas lamang sana ang powers of illusion niya, maari siyang lumikha ng illusion na makikita at papaniwalaan ng maraming tao. Unfortunately, his illusion was only limited to one person at a time. Isang isipan lamang ang maaring malinlang ng kanyang illusion.
Kinalimutan na niya ang anumang wishful thinking. Nag-concentrate siya sa plano nila ni Sabi. Ang napag-usapan nila ni Sabu na pagdadalhan niya sa Nephalym ay sa Han Jhun Forest Preserve na ilang milya ang layo sa Beijing.
Ang trabaho niya ay kunin ang Nephalym at dalhin ito sa Han Jhun. Siguro naman ay may nakahandang plano ang mga Elders para maitago sa mata ng tao ang Nephalym oras na madala niya iyon doon.
Ang gulo at media attention na lilikhain ng isang lumulutang na bato ay hindi na maiiwasan. Bilang employee ng Midnight Corp. tiyak na malalaman ng kumpanya na siya ang responsable sa mangyayari. There would be consequences dahil unauthorized disturbance ang gagawin niya.
Pero hindi ito ang oras para magdalawang isip siya. Iniwanan niya ang nagtatalong mga scientists. Dumiretso siya sa kinaroroonan ng malaking trap door. Ibinaba niya ang lever na magbubukas dito. Nagsimulang bumukas ang trap door na yari sa makapal na asero.
Tumakbo siya pabalik sa kuwartong kinaroroonan ng Nephalym. Binasag niya ang glass enclosure nito. Biglang natahimik ang mga boses ng mga nagtatalong scientists.
Nang buhatin niya ang malaking bato ay napanganga ang mga ito. Gusto niyang matawa. Hindi siya nagkamali, kaya nga ng lakas niya ang bigat ng Nephalym. Sinimulan niyang dalhin ito palabas ng kuwarto.
"It's floating!" bulalas ng isang Chinese scientist.
"Stop it!" sigaw naman ng isa pang boses.
Binaliwala na niya ang mga ito. Dire-diretso siya sa kinaroroonan ng trap door. Fully opened na ang trapdoor. Ang ilang mga estudyante ng university na nagkataong naglalakad lamang sa tabi ng trapdoor ay nakasilip. Curious ang mga ito sa kung ano ang nangyayari.
Huminga siya ng malalim. Pakiramdam niya ay isa siyang weightlifter na naghahandang itaas ang isang napakabigat na barbel. Tumakbo siya para makakuha ng buwelo bago siya tumalon pataas! He spread his batwings! Ikinampay niya ng husto ang kanyang mga pakpak habang pinapanatiling balanse sa kanyang mga kamay ang sarcophagus ng Nephalym. Hindi siya sigurado kung gaano kalakas at katibay ang pakpak na ito na ipinahiram sa kanya ni Medium, ngayon niya masusubukan kung makakaya din nitong ilipad ang Nephalym.
Napahiyaw siya nang mailipad niya ang Nephalym! Hindi na niya kailangang gumamit ng truck o itakbo ito sa kalsada ng Beijing!
Malinaw sa mga nabiglang estudyante na narinig ng mga ito ang sigaw niya. Ngunit wala siyang pakialam. Bago siya pumasok sa siyudad ng Beijing ay sinabi ni Sabu na magkakaroon ng vigil ang mga Niesmire na maghihintay sa kanyang pagdating sa Han Jhun forest. It would take him at least thirty minutes of flight bago makarating doon. Kaya niyang lumipad ng mas mabilis pa doon, pero baka kung ano ang mangyari sa Nephalym. Worse case scenario ay mabitiwan niya ito, bumagsak at mabasag! The Niesmire would never forgive him for destroying the symbol of their belief and life.
Nang makalayo na siya sa university ay saka niya na-realize na bumagal ang kanyang paglipad. Epekto ba iyon ng bigat ng Nephalym o ng magical powers nito?
Mula sa ere ay nasulyapan niya ang ilang mga police cars na nagpipilit na masundan ang batong karga niya. Mabibigo ang mga ito lalo pa't marami sa mga sasakyan ang tumitigil para tingnan ng mga driver nito at kunan ng video gamit ang kanilang mga cellphones ang lumulutang na bato.
Narinig ni Hades ang tunog ng isang chopper. Nang sulyapan niya ang direksyong pinanggagalingan noon ay nakita niya ang isang isang helicopter na may tatak ng isang TV news channel. Nakatutok din sa bato ang video camera na hawak ng isang lalaki na nakasakay sa loob ng chopper.
Napangiwi siya. By now, the stone's flight was being shown on live TV and possibly being streamed on the internet. Pareho nang tiyak na batid ng Lightside at Midnight ang gulong ginagawa niya.
Isina-isantabi niya ang pag-iisip sa ang gagawin ng dalawang kumpanya. Kailangan niyang tapusin na agad ang trabahong ito. Get his bags of gold and begin his new life in the world of humans.
Nakalapit sa kanya ang chopper. Nakatutok ng husto sa malaking bato ang cameraman at panay ang pagre-report ng kasama nitong reporter gamit ang suot nitong headphone. Sa may di kalayuan ay natanaw na ni Hades ang Han Jhun Forest Preserve. Malawak iyon. Kumunot ang noo niya. Hindi sinabi ni Sabu kung saang bahagi ng kagubatan niya dadalhin ang Nephalym.
Binilisan niya ang paglipad para makalayo sa chopper. Noon niya natanaw ang isang puting bagay na lumilipad palapit sa kanya! Napangiti siya.
"Sabu!" bati niya sa Finder na taglay na muli ang anyo ng isang kalapati.
"Sundan mo ako Hades. Bago dumami ang mga sumusunod sa iyo, kailangang maitago namin ang Nephalym."
Nag-dive si Sabu patungo sa mga makakapal na puno ng Han Jhun Forest. Hindi makakasunod sa kanya ang chopper ng TV station doon. Ngunit pinpointed na ng mga ito kung saang part ng gubat niya dinala ang bato.
Nagkabali-bali ang mga sanga at tangkay ng puno nang daanan ito ng sarchopagus ng Nephalym. Nang mahawi sa kanyang paningin ang mga puno at dahon ay nasulyapan niya ang isang malaking hukay sa lupa.
"Doon mo ibaba ang Nephalym!" turo ng abuhing pakpak ni Sabu sa hukay.
Nakapaligid sa malaking hukay ang ilang mga Niesmire folks. Pamilyar sa kanya ang itsura ng ilan tulad ng shangyang at qilin na regular na nababasa sa Chinese fairy tales. Ngunit marami pa din sa mga Niesmires na naghihintay sa kanila ang ngayon lamang niya nakita.
Maingat niyang ibinaba ang Nephalym sa hukay. Malalim iyon. Dalawang doble ng taas at lapad ng sarcophagus. Kung matatabunan agad ito ng mga Niesmire folks, maitatago nila sa mga tao ang Nephalym.
Dumapo sa balikat niya si Sabu.
"Dapat nating tabunan na ng lupa and butas!" malakas niyang sigaw. Bawat Niesmire ay nakatitig ng husto sa Nephalym. Animo hindi magawang alisin ng mga ito ang tingin sa nagliliwang na bato.
Uutusan pa sana niyang muli ang mga Niesmire nang biglang magsigawan ang mga ito! Inakala niya na nagdatingan na ang mga humahabol na Chinese authorities. Ngunit ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa Nephalym!
Mayroong crack ang sarcophagus ng Nephalym!
"Fucking shit!" bulalas niya. "Hindi ko kasalanan ito, Sabu. Naging maingat ako!"
Ngunit ang atensyon ni Sabu ay wala na sa kanya. Lumipad ito palapit sa Nephalym. Inikutan nito iyon.
"Natitibag ang sarcophagus ng Nephalym!" hintakot nitong bulalas.
Totoo ang sinabi ni Sabu. Unti-unting nababasag ang sarcophagus ng Nephalym! Lumipad siya paalis ng hukay. Nagpanakbuhan palayo ang mga Niesmires. Naghahagisan kasi kung saan-saan ang bawat pirasong natitibag mula sa stone container ng Nephalym!
Animo isa itong building na gumuguho! Naglipana ang mga alikabok sa paligid dulot ng nadudurog na sarcophagus. Ilan sa mga Niesmires ang narinig niyang nag-atsing at inubo.
Nang tumigil ang pagbabagsakan ng mga bato at alikabok sa paligid ay nalantad kay Hades ang tunay na itsura ng Nephalym.
Isa iyong itlog! A six-foot egg na kulay green at nagbibigay ng luntiang liwanag!
"Sabu, tabunan na ninyo ang Nephalym! Ang liwanag na mula sa kanya ay magbibigay sa lokasyon natin sa mga humahabol"
"It's too late Hades..." anas ng Finder. Puno ng labis na pag-aalala ang boses ng Finder.
"Anong ibig mong sabihin?" ibinalik niya ang tingin sa Nephalym. Noon niya napansin ang malaking crack na nagsisimula sa ilalim ng itlog! Mabilis iyong lumaki at kumalat sa buong itlog.
"Fucking shit!" mura niya. Naging maingat siya ng hawakan ito. Nababasag ba ito ngayon dahil sa epekto ng kanyang pagkatao? His touch of evi or his touch of light? Hindi niya alam kung ano ang epekto ng hawak niya sa isang Niesmire. Posible kayang ang paghawak niya sa Nephalym ang sanhi ng pagkasira nito ngayon?
Tuluyan nang nabiyak ang Nephalym!
Mula sa loob nito ay lumabas ang isang green light. Ikinurap ni Hades ang kanyang mga mata na saglit na nasilaw. Unti-unti ay may naaninag siya sa gitna ng luntiang liwanag. Muli niyang ikinurap ang kanyang mga mata. Nagsimulang mawala ang green light. Ang naiwan ay isang green...
Isang babaeng luntian?!
Nakatayo ang babae sa gitna ng mga piraso ng nabiyak na itlog. Lagpas paa ang mahaba nitong buhok na gawa sa maliliit na dahon at baging. Wala itong anumang saplot at base sa nakikita niya, taglay nito ang mga necessary parts ng isang normal na babae with the exception of body hairs. Dumilat ang mata nito. Kasabay noon ay lumabas sa likuran nito ang apat na dragonfly wings!
"Ito pala ang tunay na anyo ng Nephalym!" bulalas ni Sabu. “She’s not just a symbol…but one of us! No…she’s not just one of us…” natahimik na ang Finder. Wala na itong nagawa kundi pagmasdan ang babaeng luntian.
Tumutok sa kanya ang mga mata ng Nephalym. Mga matang yari sa jade at walang iris ang nakita ni Hades na sumusuri sa kanyang pagkatao.
Kinabahan siya. Napalunok. Paparusahan ba siya dahil nasira niya ang sarcophagus o dahil ginising niya ito? Pakikinggan ba nito ang kanyang paliwanag o tulad ito ng mga taga Lightside na binabaliwala ang kanyang pangangatwiran?
Itinaas nito ang isang kamay. Gumalaw ang mga translucent na pakpak nito. Iglap ay lumipad ito papunta sa kinaroroonan nila ni Sabu. Lumipad si Sabu sa may likuran niya. Hindi niya alam kung nahihiya o natatakot ang Finder sa Nephalym. Nanatili siya sa kinatatayuan.
"I can explain." pasimula niya. "Hindi ako kalaban at ginawa ko lamang ang-"
Inilahad nito ang kanang kamay. Lumapat sa kaliwang pisngi niya ang palad ng kamay nito. Nawalan siya ng boses! Nagsimula din niyang maramdaman ang kakaibang init ng palad nito. Isang init na nagsimulang sumidhi! Noon niya naramdaman ang matinding sakit na biglang bumalot sa kanyang buong katawan! Nag-aapoy ang kanyang pisngi, naluluto ang kanyang balat!
Malakas siyang napasigaw! Nasundan iyon ng pagdidilim ng kanyang paningin.
This novel is R-18 due to extreme violence, profanity, nudity and sex.