NANG makarating sila Cyra at Rageon sa Blackthorn compound ay todo kuwento pa din ang huli.
“Four hundred and fifteen hectares and buong compound ng academy.”
Mula nang pumasok sila sa gate na nakaharap sa highway ay puro puno at halaman pa lamang ang nakikita ni Cyra. Paminsan-minsan din ay nakakarinig siya ng mga ingay mula sa mga ibon at hayop na malinaw na residente ng kagubatang nasa paligid ng school.
“Sa susunod nating pagliko ay matatanawan mo na ang school building and dormitory.”
Tulad ng sabi ni Rage ay natanawan na niya ang building. Isa iyong malapad na three storey building na may open terrace sa second floor.
“We also have an Olympic size swimming pool sa likod ng building but it’s only three feet deep dahil mayroon kaming mga estudyante na below ten years old. Mahirap nang malunod pa ang mga iyon.”
“Napapaligiran ba talaga ng gubat ang school?”
“Not at all! There are hills and mountains sa northern part. Sa Western part ay naroroon ang 200 meter long beach na nakaharap sa Pacific ocean. At hindi natural forest ang nakikita mo ngayon Cyra. Nang mabili ito nina Uncle River, talahiban ito. Nagkaroon ng landscaping at reforestration sa lugar na ito. Bumili pa talaga si Aunt Luna ng mga malalaking puno para maitanim dito. Dalawa ang gubat dito, ang mga puno sa right side ay tinatawag na Tangle woods. Itong nasa left side ang tinatawag naming Forest Grove, dito na-transplant ang mga biniling matured trees.” “Mukhang resort ang compound.” Ngumiti si Rageon.
“Ayaw kasi ni Uncle River na magmukhang ordinary school lamang ang Blackthorn. By the way Uncle River is the school president. You’ll get to meet the rest of the school administration sa New Year party. Bukod sa iyo ay iwe-welcome din namin ang mga new students. Tinatawag namin silang neophytes. Usually we accept ten students every year para makumpleto ang twenty students na tinuturuan ng Academy. But this year proved to be an exception since 11 ang mga neophytes so that would make your students 21. Be creative in putting them in a group pag bibigyan mo sila ng project or test para kahit na di even ang numbers nila ay magiging equal pa din ang kanilang strength and weaknesses.”