Russel Thomas
Antigo Excerpt (Unedited)
Nasanay na si Russel na nagigising sa kung saan-saang lugar dahil kay Mark. Tulad ng madalas na mangyari, nawarak na naman ang pambatang damit nito nang magpalit sila ng katauhan. Halos hubad na naman ang itsura niya dahil di na naman nagbihis ng damit na para sa kanya ang kutong lupa na iyon! Saan na naman kaya siya nito dinala? Puro puno at halaman ang nakikita niya sa pagkakahiga niya sa lupa. Bumangon siya.
Nabigla siya sa kanyang nasaksihan. Nakatayo si Oscar sa isang tabi. Bumubulong-bulong ng kung anong lenguahe ang matandang lalaki. At sa may unahan nila, naroroon si Virgil , nakikipaglaban sa isang dambuhalang lizard na may mahabang dila gamit ang latigo nito!
"Anong nangyayari?" usisa niya kay Oscar. Hindi siya nito pinansin. Hinawakan niya ito sa balikat at niyugyog! "Bakit mo pinapabayaang labanan ni Virgil ang hayop na iyon?!"
Nagdilat ng mata si Oscar.
"Sinira mo ang aking concentration!” pagalit nito sa kanya, “Humihina na sana ang demon lizard at malapit nang matapos ang spell ko na papatay sa kanya! Pero dahil sa iyo, naputol ang spell at mapapahamak ngayon si Virgil!"
Napatingin siya sa babae. Ito na ngayon ang umuu-urong! Naagaw na ng mahabang dila ng lizard ang latigo nito!
"I need another ten minutes to complete the spell!" madiing sabi ni Oscar.
Shit! Muli niyang naramdaman ang pagiging useless niya. Ngunit di niya mapapayagang mapahamak si Virgil!
"I will get you that ten minutes!" aniya. "Simulan mo na ulit ang pag-chant ng spell."
Iniwanan niya ang matandang lalaki. Sa kabila ng pag-ika niya, sinikap niyang makalapit kay Virgil. Binaliwala niya ang sakit mula sa kanyang injured knee. Dumampot siya ng mga bato. Ito lamang ang tanging sandata na magagamit niya para malabanan at makuha ang atensyon ng demon lizard. Ubod lakas niyang inihagis ang isang bato sa lizard! Sapul sa isang mata ito!
Umatungal ito. Bumaling sa direksyon niya ang tingin nito. Nawala ang atensyon kay Virgil na humihingal na ng husto.
"Ako ang harapin mo pangit!" sigaw niya. Kung sana ay hindi nasira ang kanyang tuhod, kaya niyang tumakbo ng walang tigil sa loob ng dalawang oras! Bilang football player sanay ang katawan niya sa hirap. Malakas din ang kanyang resistensya. Isa sa dahilan kaya naging ace player siya ay dahil pag hirap na ang mga kalaban nila, muli siyang nakakakuha ng lakas para mas pabilisin pa ang kanyang pagtakbo.
Ngunit kung tatakbo siya ngayon at magpapahabol, ang kanyang tuhod...Tumiim ang bagang niya. Muli siyang dumampot ng bato at pinuntirya ang lizard!
Screw his knee! Kung hindi na siya makakalakad pa pagkatapos nito, wala siyang pakialam! Kailangan lamang na mabigyan niya ng sapat na panahon si Oscar para matapos ang spell nito! Dapat na mamatay ang demon!
Muling tumama ang bato sa mata ng lizard na tinamaan na niya kanina! Lalo itong nagwala sa galit. Mabilis itong tumalon papunta sa kanya!
Tumakbo siya palayo dito. Todo ang pag-uutos niya sa kanyang mga paa na gumalaw! Isina-isantabi niya ang sakit ng kanyang tuhod. Sinabihan niya ang sarili na wala siyang injury! Na siya pa din ang dating magaling na football player na si Russel Thomas!
Sinunod siya ng kanyang mga paa! Tumakbo ang mga ito na animo walang kapansanan! Naiwasan niya ang unang atake ng lizard. Ngunit hindi ang ikalawa! Pumulupot sa kanyang leeg ang dila nito! Hinaltak siya nito! Bagsak siya sa lupa. Agad siyang kinubabawan ng lizard.
"Isa na namang pagkain! At higit kang mas malakas kaysa sa mangangahoy kanina!" tuwang-tuwa nitong sabi.
Nagsimulang sumikip ang pagkakapulupot ng dila nito sa kanyang leeg. Hindi siya makahinga! Nagsimulang sipsipin ng demon lizard ang lakas sa kanyang katawan! Nanghihina siya!
Nagdidilim ang kanyang paningin! Naulinigan niya ang sigaw ni Virgil. Ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Malinaw na tumatakbo ito palapit sa kanya. Sisikapin nitong iligtas siya. Ngunit tulad niya ay wala itong kapangyarihan para labanan ang demon lizard. She can't save him. At tiyak na ito ang susunod na babalingan ng demon pag namatay siya!
Malakas na sumigaw ang kanyang isipan. He can't die!
Hinawakan niya ang dilang nakapulupot sa leeg niya. Pilit na ina-alis iyon. Ngunit hindi sapat ang kanyang lakas! Ini-unat niya ang kanyang kanang kamay! Naghagilap siya ng bagay na magagamit sa tabi-tabi.
He needed something to use as a weapon! A stick.. a long rod... Kung sapat ang haba noon maisasak niya iyon sa lalamunan ng lizard!
Noon niya naramdaman ang isang bagay sa kanyang kanang kamay! Sinulyapan niya ang nahawakan niya. Isa iyong two meter rod!
"M-Mukhang katapusan mo na butiki!" pang-iinsulto niya dito.
"Butiki? Sinong butiki?" galit na sabi ng demon.
Sabay sa pagbuka ng bibig nito ay ubod lakas niyang itinarak sa lalamunan nito ang dulo ng rod na hawak niya!
Mahigpit niyang hinawakan ng dalawang kamay ang rod at buong diin na ibinaon iyon sa lalamunan ng demon lizard!
"Shamsinisim luefrum!" sigaw ng boses ni Oscar bilang pagtatapos sa spell na ginagawa nito..
Sumabog ang buong katawan ng demon lizard. Nakadurog-durog!
Nakahinga ng maluwag si Russel. He's alive. And Virgil was safe. Bumangon siya. Pinalis ang mga piraso ng demon na humagis sa katawan niya. Nagsisimula nang maging abo ang mga iyon.
"Is the demon really dead?" usisa ni Virgil.
"Yes." ani Oscar. Napa-upo ito. Mukhang nakaka-ubos din ng lakas ang paggamit ng mahika.
Napatingin siya sa kanyang kamay. Hawak pa din niya ang rod na natagpuan niya. Akala niya kanina ay yari iyon sa kahoy. Ngunit malinaw na hindi ito gawa sa kahoy. Kulay puti ito, makinis. Almost like ivory.
Naglakad siya palapit kay Virgil at Oscar. Nanlaki ang mga mata ng babae.
"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? Nagmukha na ba akong butiki?" biro niya.
"Diretso ka nang naglalakad!"
Napatigil siya. Tiningnan niya ang kanyang mga paa. Muli niyang inilakad iyon. Wala siyang maramdamang sakit sa kanyang tuhod! O baka epekto lamang ito ng sudden rush of adrenalin. Normal sa mga football players na hindi agad maramdaman ang injury sa katawan dahil sa sobrang adrenalin na lumalabas sanhi ng sobrang excitement.
Pero hindi na siya excited ngayon. Bumalik na sa normal ang kanyang paghinga at tibok ng puso.
Lumapit sa kanila si Oscar. Tutok na tutok sa hawak niyang rod ang mga mata nito.
"Saan mo nakuha ang sandatang iyan, Russel?"
"Napulot ko lamang ito sa lupa."
Umiling ang matandang lalaki.
"Ang ganyang klase ng sandata ay hindi basta-basta nadadampot lamang. That weapon was fashioned by powerful magic!"
Itinaas ni Russel ang rod.
"And it's made of living bone!" bulalas ni Oscar.
"Bone? Anong klaseng buto ang sinasabi mo Oscar?"
Bago nakasagot ang matandang lalaki ay nagsimulang lumubog ang rod sa kamay ni Russel! Napasigaw siya! Pilit niyang binitawan ang rod. Ngunit unti-unti nang naging bahagi ng kanyang kamay ang rod.
"Anong nangyayari Oscar?" bulalas ni Virgil.
Pakiramdam ni Russel ay nagiging bahagi ng kanyang katawan ang rod! Saglit pa at tuluyan na iyong naglaho. Tanging ang kamay na lamang niya ang naiwan.
"Pumasok ba sa katawan ko ang rod?" naguguluhan niyang tanong.
"Your mind created that bone rod Russel." pahayag ni Oscar.
"What? Imposible!"
"Nilikha mo ang bone rod na iyon mula sa iyong sariling buto."
"Ikaw ang nagsabi kanina na nalikha iyon gamit ang isang powerful magic. I have no magic!"
"But you share your body with two men nagtataglay ng malakas na kapangyarihan." paliwanag nito.
"Oscar, please explain what is happening." giit ni Virgil.
Bahagyang napangiti si Oscar. Pinagmasdan siya.
"Ethan, Mark and Russel share the same body. Hindi kataka-taka na nagawa ni Russel na magamit ang kapangyarihan nina Mark at Ethan. Unconsciously while Russel was in grave danger, he reached out and tapped Mark and Ethan's powers!"
"What?" bulalas niya.
"Isipin mo na ang kapangyarihan nina Mark at Ethan ay katulad ng isang malawak na dagat. Sumalok ka ng tubig sa dagat na iyon para magamit mo. That's how you were able to create the bone rod!"
"Kung sinasabi mo na ako ang lumikha sa bone rod na iyon, ibig sabihin ay muli ko iyong mapapalabas?" diskumpiyado pa din siya.
"Hindi ako ang dapat mong tinatanong Russel. At para malaman natin kung tama ang hula ko, bakit di mo subukang likhain muli ang bone rod?" paghahamon nito.
Ini-unat ni Russel ang kanyang kanang kamay. Paano kung totoo ang sinasabi ng matandang lalaki? Ibig sabihin, hindi na siya helpless! He can fight!
Pero ano ang gagawin niya para mapabalas ang bone rod? Napakunot siya. Kanina, ang tanging laman ng isip niya ay magkaroon ng sandatang magagamit. Siguro ganoon din ang dapat niyang gawin.
"Rod!" malakas niyang sabi.
Napatanga silang dalawa ni Virgil! Iglap kasi ay lumitaw na muli sa kanyang kamay ang bone rod!
"At mukhang hindi mo na kailangan pang sanayin ang sarili mo sa paggamit ng sandatang iyan Russel. You seemed to be a natural born fighter." nakangiting papuri ni Oscar.
*Antique Shop was supposed to be a 4 part manga comics. But due to unavoidable circumstances, hindi na mapapa-publish pa ang part 2,3, and 4 as a manga. Antique is the continuation of Antique Shop but written in prose. Unlike the manga, the e-book version is R-18 due to extreme violence, adult themes and nudity.
Once all writing contract obligations have been terminated, magiging available for download ang English edition nito, FOR FREE sa amazon.com- Arielle
Once all writing contract obligations have been terminated, magiging available for download ang English edition nito, FOR FREE sa amazon.com- Arielle